Bida ang saya.
Alam mo ba kung paano nagsimula at umasenso ang Jollibee?
Sa mga hindi pa nakakaalam ang may ari ng Jollibee ay si Tony Tan Caktiong, Anak siya ng isang kusinero at nagsikap na makapag tapos ng pag aaral sa kursong BS Chemical Engineering. Naka graduate si Tony sa University of Sto. Thomas (UST).
Hindi ginamit ni Tony ang kanyang natapos na kurso, siya ay sumubok na magnegosyo at nagsimula siyang mag franchise ng Ice cream parlor.
Dumami ng dumami ang costumer ni Tony at nakilala sa buomg Maynila, dumami din ang Ice cream parlor ni Tony at marami sa kanyang mga costumer ang nag request ng iba pang pagkain tulad ng fries, sandwich, at fried chicken.
Hindi pa noon uso ang mga fastfood, nung nabalitaan ni Tony ang McDonald's food chain sa America pinalitan nya ang kanyang mga Ice cream Parlors ng mga fastfood restaurant.
Paano nila nakuha ang pangalan na “Jollibee”? Nakuha niya ang pangalan na Jollibee dahil sa personality ni Tony. Masiyahin si Tony at palaging busy sa kanyang negosyo. Dito nakuha ang “Jolli” meaning masiyahin at “Bee” dahil palagi siyang busy parang bubuyog, “Busy as a Bee.”
Sa ngayon, ang Jollibee ay may-ari na ng mga iba’t ibang restaurants tulad ng:Greenwhich Pizza, Chowking, Red Ribbon, DeliFrance, Mang Inasal atbp. At kilala na ang Jollibee hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo na rin.
Here’s the take-away 5 lessons from Tony’s Jollibee.
1. The Key To Being Financially Free is Not in Employment, but in Business.
Kahit na ang kurso ni Tony ay BS Chemical Engineering, hindi siya nagpatuloy sa kanyang natapos na kurso. Hindi siya nagpatuloy na maging isang engineer upang maging empleyado lamang. Siya ay nagsimula ng sarili niyang negosyo na kung saan siya ay masaya at malaya.
2. Take A Risk.
Alam ni Tony na sayang ang kanyang natapos na kurso sa UST subalit sumubok pa rin siyang magNegosyo. Hindi man niya alam kung magiging successful ang kanyang Ice Cream Parlor, pero ito ay sinubukan pa rin niyang simulan.
Paano kaya kung hindi man lang siya sumubok?
Saang kumpanya kaya nagtatrabaho ngayon si Tony?
Masaya kaya siya sa kanyang 8am-5pm job?
3. Start Now and Adjust Later.
Importante ang magsimula at mag-adjust na lamang habang tumatakbo na ang negosyo. SI Tony ay nagsimula lamang sa isang maliit na ice cream parlor at nadagdagan ang mga produkto dahil sa mga kagustuhan ng mga customers. Tsaka pa lamang niya naisipang itayo ang Jollibee Fast Food Restaurant.
4. Create A Memorable Brand.
Nabuo ang konsepto ng “Jollibee” dahil sa personalidad ni Tony at yun din ang tumulong sa pagbuo ng branding ng kanyang fast food restaurant.
5. Conquer Your Competition.
Naintindihan ni Tony na ang iba’t ibang naglalabasan na mga fast food restaurants ay kalaban niya sa kanyang negosyo. Kaya nama’y binili niya ang iba’t ibang restaurants na ito.
Kung may natutunan ka sa kwento ng buhay ni Tony at kanyang Jollibee, comment “YES I AM” at i-share mo sa iba para mainspire sila at makatulong sa mga taong gusto mabago ang kanilang buhay.
No comments:
Post a Comment