Friday, May 12, 2017

gumawa ka Ng pag babago wag SA ibang tao

HUWAG IKUMPARA ANG SARILI SA IBA

Ano ang feeling mo kung may nakikita kang ibang tao na umaangat sa buhay?

Ano yung feeling mo kung nakikita mo yung mga kasama mo na nagbabakasyon at nag-post sa social media ng kanilang vacation?

Ano yung feeling mo kung may nakita ka na may nabili silang bagong gamit?

Hmmmm, admit it or not, dalawa lang naman ang pupuntahan niyan.

Either matuwa ka para sa kanila and you will rejoice with them or malulungkot ka at may konting kurot sa iyong puso.

“Bakit sila meron, ako ay wala?”

“Bakit nakuha na niya yung promotion, ako hindi pa?”

“Bakit siya yung sinagot at hindi ako?”

Kung hindi tayo magiging conscious na may tendency tayo mag-compare, friend, maniwala ka, we will live a miserable and unfulfilled life.

When we compare ourselves with others, may tendency na tayo ay malungkot dahil may feeling na failure tayo. Hindi lang yun! Papasok din yung self-pity at maawa na tayo sa ating sarili.

Ok lang sana, if you are going to use it as an inspiration para makamit mo rin kung ano ang naabot nila.

Pero kung araw-araw at gabi-gabi natin siyang iniisip, pero hindi naman ito mapapa sa atin, walang mangyayari. Ano ba yan friend!? We have to stop doing this. We are just torturing ourselves!

"Mamatay-matay tayo sa inggit, pero hindi naman para sa atin.

Ano ba ‘yun! STOP COMPARING!"