Dun tayo sa lalaking may pangarap sa buhay,
Lalaking K.K.K: Kaunlaran, Kabuhayan at Kinabukasan ang iniisip para sa Pamilya
Sa dami ng nasaktan at naiwan,
minsan mapapatanong ka na lang sa sarili ng:
“May ganitong lalaki pa ba?”
“Makakakita pa kaya ako ng ganito?”
“...yung lalaking kaya tayo bigyan ng
magandang buhay at kinabukasan?”
Oo naman! Meron pa!
God will allow you to meet the right person
and of course, we need to pray for it.
Yung hindi naman perpekto
Pero lalaking:
Gagawin ang lahat para sa pamilya
Laging patitibayin ang relasyon
Willing magsakripisyo at
Yung hindi titigil hangga’t hindi naiaangat ang buhay ng pamilya.
Iyan ang lalaking K.K.K!
Oh eto, usapang lalaki tayo ah.
Paano ba natin maisasakatuparan ito?
“Hindi kaya pareng "BAYANI'L kapos kami.”
“Sa hirap ng buhay, imposible na ‘yan.”
“Ganito lang ako, paano ko gagawin ‘yan”
Hindi dapat maging balakid sa atin
ang mga dahilan na iyan.
Ang pagiging kapos, walang-wala,
at hirap ng buhay ang dapat
maging motivation natin para mas
lalo tayong sipaging kumilos.
Tandaan:
HUWAG MAKUNTENTO SA ISANG KAHIG ISANG TUKA
“Pwede na ‘yan.”
“Eh sa ‘yan lang ang kaya ko eh.”
Hindi totoo yan.
Kaya pa natin higitan ito.
Hindi lang tayo hanggang diyan
dahil may ibubuga pa!
Kung tapos na sa trabaho
pag-uwi, asikasuhin naman ang sideline.
Kung kulang ang kinikita
maghanap ng additional income.
Kung wala naman ginagawa
sumubok ng ibang pwedeng gawin para
hindi sayang ang oras.
Madami!
Madaming pwede gawin para
madagdagan ang ating kita.
TAYO ANG MAGDADALA SA PAMILYA
Tawag sa atin: HALIGI NG TAHANAN.
Ibig sabihin…
Tayo ang po-protekta at aakay sa kanila
kaya dapat sisiguraduhin nating
maayos ang lahat.
Lahat pataas, lahat nag-i-improve,
walang nahihirapan, at
walang napapag-iwanan sa
kahit anong aspeto.
Nakakapag-aral ang mga anak.
Nakakakain ng tatlong beses isang araw.
May maayos at kumporatableng tirahan.
May malinis na tubig at kuryente.
It doesn’t require that much.
Malaking bagay na yung maibigay natin
ang mga basic na pangangailangan.
PANINDIGAN ANG PINASOK
Niligawan natin sila, panindigan natin.
Pinakasalan natin sila, panindigan natin.
Nagdecide tayo magkapamilya, panindigan natin.
We should take full responsibility of it.
Hindi naman ito laro-laro lang.
It requires hard work, dream for the family,
And acting upon it para
maging maayos ang buhay nila.
Hindi lang ‘BE A MAN’ ang reminder ko kundi,
‘BE THE RIGHT MAN’ for them.
“Du’n tayo sa lalaking kaya tayong bigyan ng magandang kinabukasan. Hindi sa lalaking puro porma at yabang lang.”
-Bayanil Dizon, Filipino untrepreneurs Motivational,
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw ba ay isang haligi ng tahanan?
Ginagawa mo ba ang iyong tungkulin?
Kung hindi, paano mo ito gagawain
No comments:
Post a Comment