Thursday, December 15, 2016

Hello everyone

Bawat pagsubok ay may katapat na pag-asa. Pero huwag lang tayong tumunganga. Dapat ay mayroon din tayong AKSYON na ginagawa.
Click here


Monday, December 05, 2016

E share ko lng to

Bakit may mga taong ubod ng yabang

May  kakilala ka bang kung magsalita, parati na silang tama at hindi sila nagkakamali.

Parati na lang silang may opinyon at solusyon sa lahat ng problema.

Ayaw magpatalo sa usapan.

At kung mag-kwento, daig ba ang bagyong Yolanda sa lakas ng hangin.

Isa sa pinaka nakakairitang kasama ay ang mga taong MAYAYABANG.

Mahirap man gawin, sa halip na mainis at magalit sa mga taong ganon, unawain mo na lang at pagbigyan.

Ang mga taong mayabang kadalasan  maraming  insecurities.

Wala nang ibang pinagusapan kung hindi kung gaano sila kagaling.

Kung ano ang kanilang mga achievement.

Kung gaano sila ka successful.

The reason they have to talk so much about themselves is because they feel the need for affirmation, appreciation and acceptance.

The reason why I can explain this with conviction, because I used to be arrogant and very proud. Dati rin akong  hambog na hindi ko napapansin. Na discover ko na lang ito noong may isa akong mentor na nag magandang loob na sinabi sa akin ang katotohanan kahit masakit.

Minsan niya akong tinawag at nasabi, “Chinkee, napansin mo ba lahat ng sinabi mo sa kausap mo. Ako! Ako! Ako! Panay ikaw na lang, ni hindi mo man lang tinanong kung kamusta na siya at ano ang nararamdaman niya.”

Katulad nga ng isang famous saying, “People can forget what you say but people can never forget how you made them feel.”

Next time kung may kausap tayo let us be conscious to be more concerned about how others  feel and try not  to make it so much

About you..

Ok lang kahit hindi ikaw ang topic. Di bale na hindi masyadong mapansin, huwag lang mapansin na ikaw ay mayabang.

Tatandaan mo, lahat ng umaangat ay bababa.

Huwag na huwag mong sirain ang tingin sayo ng ibang tao.

Matutong magpakumbaba sa lahat ng oras lalo na sa oras ng tagumpay.

THINK. REFLECT. APPLY.

Kapatid, matanong nga kita, minsan ba ikaw bay ay tinatamaan din ba ng iyong kayabangan?

Nagmamalaki ka at pilit mo ikwento kung ano mga achievements mo?

Kung meron tayong nararamdaman na kayabangan, saan ito nanggaling? Dahil ba ito ay bunga ng pasasalamat sa Diyos o dahil sa ating insecurity.